Opisyal nang inilunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Value Chain Innovation for Sustainable Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA) Project.
Ang anim na taong proyekto ay pinondohan ng P8 bilyon ng International Fund for Agricultural Development.
Nilalayon nitong masuportahan at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa kabundukan at katutubong pamayanan.
Binigyang-diin ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang kahalagahan ng proyekto sa pagpapalakas ng mga komunidad sa kanayunan.
Palalakasin ng VISTA ang value chain para sa mga pananim tulad ng kape at cacao.
Saklaw ng proyekto ang 86 na Agrarian Reform Communities sa Cordillera Administrative Region at Region 12.
Makakaasa din ang mga magsasaka na mabigyan ng makinarya sa pagsasaka at mga imprastruktura tulad ng farm-to-market roads, irigasyon, at pasilidad para sa post-harvest facilities. | ulat ni Rey Ferrer