Opisyal nang sinimulan ang ika-5 Multilateral Naval Exercise Komodo 2025 sa Port of Benoa, Bali, Indonesia.
Ito ay dinaluhan ng 31 hukbong-dagat mula sa iba’t ibang bansa na layong palakasin ang kooperasyon at seguridad sa rehiyon ng Indo-Pasipiko.
Pinangunahan ni Navy Rear Admiral Joe Anthony Orbe na siyang commander ng Philippine Fleet.
Lumahok ang Pilipinas sa International Fleet Review kung saan ang BRP Ramon Alcaraz ay sumali sa naval formation na nagpapakita ng commitment sa regional security, interoperability, at pagpapalakas ng naval diplomacy sa mga kaalyadong bansa.
Dumalo rin ang Philippine Navy sa isinagawang welcome dinner na pinangunahan ni His Excellency I Wayan Koster na governor ng Bali.
Dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga naval leader na mapag-usapan ang kooperasyon sa maritime security at mapatatag ang ugnayan ng mga kalahok na bansa.
Ang Multilateral Naval Exercise Komodo 2025 ay isasagawa mula Pebrero 16 hanggang 22. | ulat ni Diane Lear