Agad umupo sa isang pagpupulong sina Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa at bagong talaga na Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Dr. Edwin Mercado.
Naging pangunahing agenda ng dalawa ay ang mga bagong programa na ipatutupad ng PhilHealth upang lalo pang mapaghusay ang serbisyo nito sa mga miyembro.
Kabilang sa mga bibigyang pansin nina Herbosa at Mercado ay ang digitalization at expansion ng mga Health benefits sa pamamagitan ng ‘pay as you go’ system.
Sina Herbosa at Mercado ay kapwa surgeon at UP-PGH Alumni na parehong may layuning palawakin ang coverage ng government health Insurance para makatulong sa mga mahihirap na pasyente. | ulat ni Mike Rogas