Titiyakin ni DILG Secretary Jonvic Remulla na mapaparusahan ang mga pulis na mapatunayang nakikibahagi sa partisan politics.
Nagbabala ang kalihim habang nasa kasagsagan na ng pangangampanya ang mga national candidate para sa 2025 Midterm Elections.
Mahigoit ding sinusuportahan ng kalihim ang “Kontra Bigay” Campaign ng Commission on Elections.
Dapat aniya magkasama ang Kontra Bigay at Kontra Tanggap Drive.
Hindi rin naniniwala si Remulla sa vote-buying kahit na noong isa pa siyang local official sa lalawigan sa Cavite.
Pero isa na itong cultural phenomenon na kailangan nang matugunan sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer