Pinayuhan ng Department of Health ang mga barangay at local government units na makipag-ugnayan muna sa local health office para mas maging epektibo at ligtas ang mga ipatutupad ng programa kontra dengue.
Ayon kay DOH Spokesperson Asec. Albert Francisco Domingo, nagpapasalamat sila sa mga opisyal na gumagawa ng programa kontra dengue, gayunman mas mainam kung isasangguni muna ito sa eksperto.
Paliwanag ni Domingo ang “bring me mosquito” o kapalit ng piso kada lamok o kiti-kiti ay posibleng magdulot ng peligro.
Maaari kasing may mag-farm ng lamok at kiti-kiti para kumita ng pera.
Ayon kay Asec. Domingo, mas maganda kung “bring me basura” dahil maaalis ang pugad ng mga lamok. | ulat ni Don King Zarate