Ilulunsad na bukas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakabagong programa nito na “Apo Ko: Kwento ni Lolo’t Lola, Gabay ng Kabataan.”
Ang programa ay idinesenyo upang maghatid ng makabuluhang koneksyon at pagkakalapit ng mga bata at matatanda.
Layon din nitong mapanatili ang tradisyon ng Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaalaman ng mga lolo at lola na nasa pangangalaga ng DSWD centers and residential care facilities (CRCFs).
Gayundin, maipabatid sa mga kabataan ang natatanging kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
Ito ay ilalahad sa mga batang nasa edad apat na taong gulang at dumadalo sa Early Childhood Development (ECD) sessions o classes.
Pangungunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang ilulunsad na programa sa Haven for the Elderly sa Tanay, Rizal, bilang bahagi ng ika-74 anibersaryo ng ahensya. | ulat ni Rey Ferrer