Nanatiling positibo ang pananaw ng economic managers sa matibay na ugnayan ng Pilipinas sa mga trade partners nito gaya ng Estados Unidos.
Sa isinagawang monthly economic meeting na pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto, tinalakay ng mga ito ang mga posibleng pakikipag-ugnayan sa mga mamumuhunan ngayong taon.
Pinag-usapan din ng mga economic managers kung paano mas mapapakinabangan ng Pilipinas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act upang mapalakas ang ekonomiya.
Naniniwala ang economic team na sa pagpapatupad ng CREATE More Act ay bubuhos ang mga mamumuhunan dahil magiging globaly competitive na ang bansa.
Kasama sa pulong sina OSAPIEA Secretary Frederick D. Go, DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, DTI Secretary Ma. Cristina A. Roque, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. | ulat ni Melany V. Reyes