Aabot lamang ng ilang araw ang evaluation stage, para sa isinampang kaso ng NBI laban kay Vice President Sara Duterte sa Departament of Justice.
Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, dito palang malalaman kung dapat na bang sumalang sa preliminary investigation ang kaso o ibabalik muli sa NBI para sa karagdagang case build up at pangangalap ng mas malakas na ebidensya.
Sa ngayon kasi hindi lang basta, probable cause ang tinitignan ng prosecutor kundi mas mataas na antas or lebel ng ebidensya na tinatawag na reasonable certainty of conviction, bago magsampa ng kaso.
Tiniyak naman ng DOJ na bibigyan si VP Duterte ng nararapat na proseso para makapagsumite ng kaniyang counter affidavit sa tamang panahon.
Kahapon, February 12, inihain ng NBI sa DOJ ang reklamong inciting to Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012, laban kay VP Duterte. | ulat ni Don King Zarate