Target ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang palawakin pa ang mga iniaalok na serbisyo ng OFW Hospitals upang bigyan ng mas dekalidad na serbisyong medikal ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) gayundin ang pamilya nito.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kapakanan at kalusugan ng mga OFW.
Kaya naman, upang mapalawak pa ang paghahatid ng serbisyo, sinabi ni Cacdac na nais din nilang maglagay ng OFW mini clinics sa mga mall sa buong bansa.
Magugunitang buhat nang mabukasn ang OFW Hospital sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga noong 2022, nakapagsilbi na ito ng mahigit 86,000 in-patients at out-patients.
Pangarap din ng DMW na mai-angat ang 50 bed capacity hospital sa premier tertiary center na may 102 bed capacity na nag-aalok naman ng highly specialized diagnostic at therapeutic services ng mga migranteng manggagawa. | ulat ni Jaymark Dagala