Maaaring umabot ng mula ₱31 billion hanggang ₱33 billion pesos ang magagastos para sa pagbuo ng bagong gusali ng Senado.
Ito ang naging pahayag ni Senate President Chiz Escudero matapos bisitahin ang kasalukuyang konstruksyon ng New Senate Building (NSB).
Ayon kay Escudero, sa kanyang pagbisita sa construction site ng NSB ay nagkaroon na rin siya ng briefing mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at technical staff ng Senado.
Bagamat hindi pa pinal sa ngayon ay sinabi ng Senate President na sa ngayon ay posibleng maitakda na sa ₱31 billion ang spending cap o ang limit ng gagastusin para sa NSB.
Kasama na aniya dito ang ₱13 billion na una nang nagastos para sa konstruksyon ngayon.
Nakapaloob na rin aniya dito ang ang bayad sa lupa at sa interior design ng gusali.
Sinabi naman ni Escudero na base sa nakita niya kanina ay wala namang indikasyon na overpriced ang New Senate Building. | ulat ni Nimfa Asuncion