Naglabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng isang resolusyon para labanan ang diskriminasyon at maging patas ang kampanya ngayong halalan.
Sa ilalim ng Resolution no. 11116 na pirmado nina Chairman George Erwin Garcia at anim na commissioners, nakasaad na layon nitong protektahan ang karapatan ng bawat botante anuman ang kasarian, estado sa buhay at maging ang mga persons with disabilities at mga may sakit gaya ng HIV.
Ituturing din na isang election offense ang pamamahiya, pangungutya at pag-discriminate sa mga ito lalo na sa mga isasagawang kampanya.
Nakasaad din sa resolusyon bawal ang paghanay sa sinumang kandidato na kriminal o miyembro ng teroristang grupo lalo na kung walang sapat na ebidensya
Magiging epektibo ang COMELEC resolution pitong araw matapos mailathala sa mga pahayagan. | ulat ni DK Zarate