Simula sa Marso, papayagan na ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng 25,000 metric tons ng isda at seafood.
Ito’y matapos aprubahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang guidelines para sa importasyon ng marine products.
Hakbang ito ng DA upang matiyak ang matatag na suplay at maiwasan ang pagtaas ng presyo sa merkado.
Sa ilalim ng inaprubahang guidelines, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances na may 45-araw na bisa.
Bukod pa rito, tanging ang BFAR-accredited cold storage facility ang papayagang mag-imbak ng imported seafood.
Pinapayagan lamang ang mga importer na lumahok kung sila ay accredited nang hindi bababa sa isang taon at dati nang nag-aangkat ng katulad na produkto.
Hindi kasama rito ang mga importer na iniimbestigahan dahil sa mga paglabag sa food safety at may kwestyonableng mga requirement. | ulat ni Rey Ferrer