Pinagtibay ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang pagkapanalo ni Laguna 4th District Rep. Maria Jamina Katherine Agarao noong May 2022 elections.
Ito’y matapos ibasura ng HRET ang petisyon ni Antonio Carolino, na natalo at nalamangan ni Agarao ng 276 na boto.
Hiniling ni Carolino na muling bilangin ang boto mula sa Commission on Elections para sa 660 clustered precincts sa ika-apat na distrito ng Laguna.
Matapos i-review ang resulta ng recount, lumabas na nakakuha si Agarao ng 153,753 na boto, mas mataas kaysa sa 153,477 boto na nakuha ni Carolino.
Dahil dito, idineklara ng HRET na valid ang pagkapanalo ni Agarao. | ulat ni Kathleen Forbes