Nag-abiso na ang Manila Traffic and Parking Bureau na isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Linggo para bigyang daan ang aktibidad ng Jesus Miracle Crusade International Ministry.
Base sa abiso, 10 AM hanggang 11 PM isasara ang Independence Road ng North bound at South bound mula Katigbak at Kalaw.
Ito’y dahil sa pagdiriwang ng 50th Church Anniversary and Revival Crusade ng naturang Samahan.
Ayon kay Beloved Daughter Annaliza Alameda-Smith, Representative ng Jesus Miracle Crusade International Ministry, libu-libong mga myembro nila ang magtitipon-tipon sa Quirino Grandstand Maynila.
Sa pagtaya nila, hindi bababa sa limampong libo ang inaasahan nilang dadalo sa naturang aktibidad.
Humingi na rin sila ng paumanhin sa mga motorista na maaaring maapektuhan ng pagsasara ng mga kalsada at hinihikayat nila na gumamit ng alternatibong kalsada.
Samantala, hindi lamang mga myembro ng Jesus Miracle Crusade International Ministry ang dadalo kundi ang mga may sakit, kapansanan at mga nangangailangan ng spiritual advice ang dadayo sa kanilang aktibidad. | ulat ni Michael Rogas