Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na hindi mamadaliin at hindi rin papatagalin ng senado ang Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pulong balitaan sa senado, sinabi ni Escudero na hindi sila makikinig sa anumang pressure mula sa sinuman para bilisan o i-delay ang impeachment.
Binigyang diin ng Senate President na idadaan nila sa makatwiran at maayos na proseso ang impeachment nang naaayon sa konstitusyon at sa kasalukuyang rules ng impeachment process.
Una nang pinahayag ng senate leader na sa Hunyo pa nila maaaksyunan ang impeachment dahil kailangang mapresenta ito sa plenaryo ng senado.
Pero pinaliwanag ni Escudero na kahit naka-break naman ang sesyon ay pwede na nilang simulan ang pagrerebyu ng mga rules sa impeachment, pagkakaroon ng judicial affidavits, pre-trial procedures, at iba pang mga paghahanda. | ulat ni Nimfa Asuncion