Tiwala si Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na mananatili sa 2 hanggang 4 percent target ang inflation rate ngayong 2025.
Ito ay matapos mapanatili sa 2.9 percent ang inflation sa buwan ng Enero 2025.
“The overall inflation rate is well under control. I expect no major shifts during the whole first quarter of 2025 — inflation will remain well within the 2-4% target band,” ani Salceda.
Gayunman, isa sa dapat aniyang bantayan ang inflation rate sa karne na nasa 6%.
Lalo na aniya at hindi pa tuluyang nakakabangon ang bansa sa African Swine Fever at may banta pa ng Avian Influenza o bird flu.
Dapat din aniyang bantayan ang presyo ng mais lalo at isa ito sa primary input sa karne at isda.
“While lower from last month, corn inflation is still at 3.6 percent, above the overall inflation rate. Corn is the primary input to meat and fish, so any effort for meat industry development must also focus on corn,” paliwanag pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes