Patuloy ang paalala ng Philippine National Police (PNP) kontra dengue dahil sa tumataas na kaso nito bansa.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Randulf Tuaño, umabot na sa 27 pulis ang nagkasakit ng dengue ngayong taon.
Ito ay mas mataas kumpara sa 12 kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon.
Batay sa ulat, ang mga kaso ay naitala sa Region 5, Region 8, Region 13, at National Capital Region.
Dahil dito, pinalakas ng PNP ang kanilang information education campaign sa kanilang hanay gamit ang 4S strategy o ang Search and Destroy, Self Protect Measures, Seek early Consultation, at Say no to Indiscriminate fogging.
Pinayuhan din ni Tuaño ang mga pulis na magsuot ng mahabang damit, gumamit ng insect repellant, at maging mapagmatyag sa mga sintomas ng dengue upang maagapan ang pagkakasakit. | ulat ni Diane Lear