Ngayong nalagdaan na ang implementing rules and regulation ang CREATE MORE Act, handa ang economic team sa kanilang planong malawakang roadshows abroad upang ipakilala sa business global leaders ang oportunidad sa Pilipinas.
Sa isang panayam kay Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) Secretary Frederick Go, nakalinya na ang itinerary ng roadshow kung saan unai tong sisimulan sa South Korea na gagawin sa March 2024.
Ito ay susundan ng United States sa April, sunod ang Japan, China, Europe, at Middle East.
Diin ni Sec. Go, upang hindi masayang ang bagong batas at IRR nito.. dapat itong itampok sa mundo upang makuha ang hangad na result ana pagtaas ng investment na siyang magtutulak sa ekonomiya.
Ayon kay Go ang CREATE MORE ay hindi lamang para makahikayat ng mga foreign investments bagkus upang palakasin din ang local sources. Ma lilika ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Melany Reyes