Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kakayahan at kahandaan ng pamahalaan na tulungan ang mga Pilipinong maaapektuhan sakaling ipa-deport ng Estados Unidos ang undocumented foreign nationals sa kanilang bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DMW Secretary na nariyan ang action funds ng pamahalaan, One Repatriation Command and Reinteggration, at iba pang programa ng gobyerno na handang umalalay sa mga OFW.
“DMW stands ready, again, iyong mga nabanggit ko na kanina – action funds and One Repatriation Command and reintegration – lahat iyan will come into play once an OFW requires repatriation whether in the United States or elsewhere.” -Cacdac.
Sabi ng kalihim, mahigpit ang ginagawa nilang koordinasyon ngayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa embahada ng Pilipinas sa US, para dito.
“We are working closely with the DFA, working closely with Sec. Ricky Manalo and Usec. Ed de Vega and Ambassador Romualdez in DC and our consulates all over the states para ma-monitor iyong situation… Sa ngayon, wala pong deportation na nangyayari.” -Cacdac.
Sa kasalukuyan, naka-monitor aniya sila sa pinakahuling sitwasyon sa Amerika, ngunit sa ngayon, wala pa namang ipinatutupad na mass deportation ang Estados Unidos.
“Kailangan lang nating i-clarify na walang mass deportation sa ngayon. We don’t want to, should I say, instill fear sa mga kababayan natin.” -Cacdac. | ulat ni Racquel Bayan