Nanindigan ang Philippine Coast Guard na hindi hadlang ang kakulangan ng kanilang assets para bantayan ang ating karagatan.
Sa pulong balitaan sinabi ni PCG spox on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na bagaman kulang ang kanilang mga barko ay ginagawan nila ito ng paraan sa pamamagitan ng istratihikong pagplaplano.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kaya ang China dahil lamang sila sa bilang at laki.
Ayon Kay Commodore Tarriela ang pahayag ng pangulo ay pagpapaalala sa mga law maker na gawing modernized ang kagamitan ng PCG.
Ang nasabing pahayag din ng pangulo ay pagpapaalala sa publiko na hindi nagpapabaya ang gobyerno at committed na bantayan ang teritoryo ng Pilipinas. | ulat ni Don King Zarate