Tuloy-tuloy ang serye ng Kasalang Bayan 2025 ng Quezon City Government ngayong Feb-Ibig Month.
Pinangunahan ni Quezon City Councilor Charm Ferrer ang isa sa mga kasalang bayan sa Risen Garden kung saan nasa 51 magsing-irog mula sa Distrito Uno ang ikinasal.
Ayon sa konsehal, ikinagagalak nitong naging instrumento upang mapag-isang dibdib ang mga nag-iibigan sa lungsod.
Pinasalamatan naman ng konsehal si QC Mayor Joy Belmonte, QC District 1 Rep. Arjo Atayde, SBP Partylist, at Councilor Dra. Doray Delarmente sa pagpapaabot ng suporta at gift bags para sa mga bagong kasal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

