Tumaas ng 40% ang kaso ng dengue sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Kasabay niyan, hinimok ng Department of Health ang publiko na mag-ingat sa sakit na dengue na dala ng lamok.
Ayon kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo, sa ngayon ay tumaas ng 40% ang mga nagkasakit ng dengue matapos makapagtala ng 28,238 na kaso sa buong bansa.
Pinakamaraming kaso ay naitala sa Calabarzon na may bilang na 5,944, sinundan ng Central Luzon na may 4,866, at Metro Manila na may 4,894 na mga nagkasakit ng dengue.
Para mapigilan ang pagdami ng lamok, dapat maging malinis sa kapaligiran upang masira ang kanilang pinamumugaran.
Samantala, kung may maramdamang sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat at pananakit ng ulo, agad na kumunsulta sa manggagamot. | ulat ni DK Zarate