Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Quezon City dahil sa dengue.
Sa harap ito ng nararanasan ngayong dengue outbreak sa lungsod.
Batay sa pinakahuling report mula sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, isa pang menor de edad mula sa Vasra ang nadagdag sa bilang ng nasawi sa lungsod para sa kabuuang 11 na.
Mula naman nang buksan ang mga health center para sa pinaigting na anti-dengue measures, lumobo pa sa 1,899 ang kaso ng Dengue sa Quezon City hanggang February 17, 2025.
Kasunod nito, muling ipinunto ng QC LGU na isang seryosong sakit ang dengue lalo na kapag hindi naagapan. | ulat ni Merry Ann Bastasa