Dadayuhin bukas, Pebrero 18, ng Lab for All Caravan ang Navotas City para magbigay ng libreng serbisyo.
Sa abiso ng Navotas City Government, ang caravan ay inisyatiba ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos.
Panawagan ng LGU sa mga residente na samantalahin ang handog na libreng check-up, gamot at vitamins, at iba pang serbisyong medikal.
Bukod dito, may serbisyo ring hatid ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Isasagawa ito sa Navotas Sports Complex mula alas 8:00 ng umaga.
Paalala pa sa mga residente na dalhin ang kinakailangang requirements tulad ng PhilHealth Member Data Record at ID, at Navorehistro QR Code. | ulat ni Rey Ferrer