Inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang mga residente nito partikular ang mga taga-Barangay Talon Uno sa programang Aivee Beyond Borders.
Ayon sa Las Pinas LGU, dapat samantalahin ng mga residente ang libreng dermatological services na hatid ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang The Aivee Group.
Gaganapin ito sa Golden Acres Covered Court, Barangay Talon Uno sa darating na Biyernes, February 21.
Giit ng LGU na ang nasabing pagkakataon ay para sa panlabas na pangangatawan ng kanilang mga residente kung saan kabilang sa libreng serbisyo ay warts removal, derma care, minor cyst surgery, at iba pa. | ulat ni Lorenz Tanjoco
