Kumpiyansa si Cong. Brian Yamsuan na maihahabol pa ng 19th Congress ang pagpapatibay sa E-Governance Law na aniya ay magpapabuti at magmomodernisa sa serbisyo ng gobyerno.
Sa kasalukuyan ay nasa bicameral conference committee na ang panukala para pag-isahin ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado.
Aniya, layon nitong i-digitalize ang paper-based at iba pang tradisyonal sa proseso ng gobyerno.
“Our ultimate goal in passing the E-Governance Act into law is better public service for Filipinos. The use of technology will eliminate long lines and long waiting times and do away with going through various tedious processes just to access government services,” ani Yamsuan.
Ang E-Governance Act ang isa sa priority legislation ng administrasyon Marcos Jr.
Bagama’t may ilan na aniyang government offices at lokal na pamahalaan na gumagamit na ng digital tools para mapadali ang proseso sa gobyerno, mahalaga na magkaroon aniya ng isang unified at integrated na network para maging magkaka konekta ang mga ahensya at makapag palitan ng mga datos.
Kahit aniya sa kanila sa Parañaque, malaki ang naitulong ng online process para maihatid ang government assistance ng walang palakasan, mahabang pila at matagal na paghihintay ng mga aplikante.
“Our initiatives in Parañaque demonstrate the use of technology for the benefit of our fellow Filipinos. Modernizing public service should be citizen-focused. This should be the ultimate goal of the E-Governance Act when it becomes law,” ani Yamsuan. | ulat ni Kathleen Forbes