Pumalo sa 2.7 million na kontrata ang naproseso ng pamahalaan nitong 2024, para sa mga Pilipino na nais magtrabaho abroad.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Migrant Workers Secretry Hans Leo Cacdac na siniguro ng pamahalaan ng dokumentado ang mga Pilipinong magtatrabaho sa ibang bansa, upang maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga ito.
“Bilang tahanan ng OFWs, tayo ay nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng mga OFWs and so we pass upon contracts, we make sure that documented ang mga Overseas Filipino Workers. And in 2024, we processed around 2.7 million na contracts, which we saw the increase of over a hundred thousand, 2.6, in the previous year.”—Cacdac.
Sabi ng kalihim, nitong 2024, hinigpitan pa ng gobyerno ang pagbabantay sa mga Pilipino sa ibang bansa.
Nitong 2024, nasa 15 establisyemento na sangkot ng illegal recruitment at human trafficking ang naipasara ng pamahalaan.
“It used to be single digit on a yearly basis, pero nadoble natin iyong output – 15 illegal recruitment establishments closed.”—Cacdac.
Marami rin aniyang online illegal recruitment ang na-take down mula sa iba’t ibang social media sites.
“Maraming online illegal recruitment take downs sa TikTok, sa Facebook – 71, 000 illegal recruitment sites ang na-takedown natin.”—Cacdac.
Habang nasa 71 illegal recruitment cases ang naisampa ng gobyerno, kung saan 15 sa mga ito, convicted na, habang ang karamihan, on going na ang pagdinig.
“We prosecuted around 71 illegal recruitment cases; ongoing iyong karamihan dito sa courts and about 15 convictions ng illegal recruitments; and we aided about 20,000 OFWs who needed our legal assistance along the way dito sa home office.”—Cacdac. | ulat ni Racquel Bayan