Nanawagan din ang grupo sa otoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon at papanagutin ang salarin.
Giit ng Gabriela, hindi punching bag ang mga kababaihan at hindi rin dapat anya na patuloy na magdusa ang mga biktima dahil sa takot.
Hinangaan din ng grupo ang ipinamalas na tapang ni Aw na isiwalat ang pambubugbog sa kanya ng kanyang boyfriend.
February 12, nang ipost ng biktima sa kanyang Facebook page ang ginawa sa kanya ni Ignacio na ayon sa kanya ay muntik na siyang mapatay.
Nanawagan din ang grupo sa gobyerno magsagawa na aksyon upang labanan ang violence against women. | ulat ni Melany ReyesJelli Aw Instagram