Malaya at patas na kompetisyon sa sektor ng agrikultura.
Ito ang binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na siyang mahalagang sangkap para siguruhin ang food security gayundin ang pangangalaga sa nagkakaisang paglago tungo sa economic transformation.
Sa kaniyang talumpati sa 2025 Manila Forum on Competition in Developing Countries, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa food system ng bansa.
Ang pagkakaroon aniya ng kompetisyon ay daan upang hindi maputol ang supply chain, maiwasan ang mga hadlang sa merkado, at tiyakin ang pantay na presyuhan para sa mga prodyuser at konsyumer.
Kabilang din sa mga tinalakay dito ay ang impact ng globalization sa agricultural market, competition enforcement, merger control, non-tariff measures, at market access para sa sektor ng pangisdaan. | ulat ni Jaymark Dagala