
Hinimok ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga bagong talagang Board of Trustees ng Institute of Philippine Real Estate Apparaiser (IPREA) na palakasin ang mga propesyunal sa larangan ng valuation at bigyang kakayahan ang mga real estate appraiser gamit ang pinakabagong pamantayan.
Sa isinagawang oath taking ceremony na pinangunahan ni Recto, sinabi nito sa mga bagong BoDs na ang kanilang pagkahirang sa pwesto ay natapat sa mahalagang panahon, kasunod ng pagsasabatas ng reporma sa property valuation system ng bansa.
Pinuri din ng kalihim ang mga nanumpang mga opisyales sa kanilang hangarin na maging kapartner ng gobierno para itaas ang standard ng “valuation sa bansa.
Ang Real Property Valuation and Assesment Reform Act (RPVARA) ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong June 2024 ay naglalayong bumoo ng single system ng pagsusuri ng real properties para sa lokal at pambansang pagbubuwis, alinsunod sa global standards. | ulat ni Melany Reyes