Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng shear line.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroong higit 2,600 pamilya o katumbas ng 10,187 indibidwal ang nananatili sa 72 evacuation centers.
Karamihan sa mga ito ay mga residente ng MIMAROPA at Eastern Visayas.
Nasa 620 na pamilya rin o higit 2,000 indibidwal din ang pansamantalang nanatili sa kanilang mga kaanak.
Ayon sa DSWD, sa kabuuan ay sumampa na sa 37,000 residente ang naapektuhan ng shear line.
Tuloy-tuloy naman na ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga apektado na umabot na rin sa inisyal na ₱615,000. | ulat ni Merry Ann Bastasa