Nagpadala na ng notice ang Commission on Election (COMELEC) sa mga kandidatong suspek sa pag papaskil ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bagaman walang pinal na datos ay napansin nila na nadagdagapan pa ang mga lumabag at binaklas na campaign materials
Kabilang sa mga pinadalhan ng notice ay ang mga party-list at kandidato sa pagka senador.
Ang Task Force Baklas ang magsasampa ng disqualification case at criminal case sa mga kandidatong lalabag. | ulat ni DK Zarate