Dinala na sa San Agustin Church sa Intramuros Maynila ang mga labi ng civilian war hero na nahukay sa mass grave sa Malate Catholic School.
Ayon kay Matthew Westfall, coordinator ng Malate Grave Project, 2019 pa nahukay ang mga labi pero natagalan sa paglilipat ng libingan.
Tiniyak pa kasi ang mga pagkakakilanlan ng mga labi mula sa DNA ng mga kamag-anak.
Kabilang na dito ang Filipino Scientist na si Maria Orosa na kasama sa mga nasawi sa pagsabog.
Kabilang din sina Dr. Antonio Lahorra, Gustavo Basa Lopez, Gloria Fernandez, Juanito Chico, Francisco Marin Massip, Carlos Sobral Alvarez, Santiago Picornell Marti, Andre Cailles, Nikolai Prokopoff, Niels A. F. Hansen, Robert Allen Afzelius, Carmen Rodas Calderon, at iba pang mga hindi na nakilalang labi.
Samantala paliwanag ni Westfall, ang Malate Catholic School ay dating Remedios Hospital kung saan nasawi ang mga biktima dahil sa bombing incident noong World War 2. | ulat ni Don King Zarate