Naniniwala si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Manny Pacquiao na magdadala ng boto ang programa nila sa agricultura sa Dumaguete City.
Sa panayam sa dating senador inihayag nito ang kahalagahan ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Negros Oriental.
Sa isang tanong tungkol sa kanyang konkretong plano para sa agrikultura, sinabi ni Pacquiao ang kanyang PDC framework – Production, Distribution, at Consumption program – na aniya’y susi sa pagpapabuti ng sistema ng agrikultura sa bansa.
Iginiit diin ni Pacquiao ang kanyang paninindigan na dapat bigyan ng mas malaking suporta ang mga magsasaka.
Anya ang programa ng admin senatorial slate nakatuon sa kapakanan ng sambayanang Pilipino gaya ng pagbibigay ng trabaho at hanapbuhay, pati na rin ang pagsuporta sa maliliit na negosyo para sa mga pamilyang nangangailangan. | ulat ni Melany Reyes