Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) ang susunod na hakbang kaugnay sa mga reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Sara Duterte.
Tugon ito ni Executive Secretary Lucas Bersamain, nang tanungin kung napag-usapan na ba nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paksang ito.
Ayon sa kalihim, bagamat batid nila ang reklamo, nasa DOJ na ang bola kung ano ang magiging hakbang nito matapos ang isinagawang imbestigasyon ng NBI kaugnay sa naging banta ng bise presidente sa buhay nina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta – Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
“We are aware of that but we are going to let the process proceed on its own because this is about a criminal investigation. the Department of Justice will have the fullest autonomy, you cannot give directions as far as these matters go.” —Bersamin.
Ayon sa kalihim, kriminal investigation ito, linya na ito ng DOJ, at hahayaan na nila ang proseso para dito na umusad.
“We will leave that into the hands of the investigators. This process will have to go through the full course, if ever that matter is officially taken cognizance off.” —Bersamin.
Kung matatabdaan una nang naghain ang NBI ng reklamong grave threats at inciting to sedition, laban kay VP Sara. | ulat ni Racquel Bayan