Suportado ng Department of Tourism ang pagdating ng prestihiyosong Michelin Guide dito sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, mainit na tinatanggap ng bansa ang Michelin Guide kung saan magsisilbing selebrasyon ng iba’t ibang lasa at pagkamalikhain na nalalanghap sa buong bansa ang international recognition nito sa culinary heritage ng Pilipinas.
Ipinagmamalaki rin aniya ni Frasco na ibahagi ang makulay na kultura at natatanging mga lutuin ng Pinoy sa mundo, na maaaring tangkilikin sa pamamagitan ng mga pambihirang karanasan sa kainan.
Ang Michelin Guide ay isang kilalang food review experts na handang suyurin ang Cebu at Maynila gayundin ang mga karatig lalawagin para hatulan at tunghayan ang pinakamasasarap na pagkain ng bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco