Patuloy na nagsasagawa ang Pilipinas at Canada ng negosasyon hinggil sa estado ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng dalawang bansa.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), mahalaga ang naturang usapin lalo na at natapos na ang memorandum of understanding (MOU) para sa defense cooperation sa pagitan ng naturang mga bansa nitong Enero 9, 2025.
Dagdag ng DFA, na ang SOVFA ay mas magpapalalim sa bilateral defense relations ng Pilipinas sa Canada gayundin ang long-standing friendship ng mga ito.
Ang Pilipinas at Canada ay nagdiwang ng 75 years of diplomatic relations nitong 2024.
Dahil dito ay tiniyak ng DFA, na nais ng Pilipinas na lalo pang pag ibayuhin ang defense capabilities at ugnayan ng bansa sa mga key defense partner nito, para masuportahan ang hakbang ng bansa.
Naging tikom naman ang bibig ng DFA hinggil sa detalye ng nasabing negosasyon, at hinayaan na ang Department of National Defense (DND) na sumagot hinggil sa nasabing kasunduan. | ulat ni Lorenz Tanjoco