Umarangkada na ngayong umaga sa buong bansa ang “Linis BEATs Dengue” Simultaneous Clean-Up Drive ng Philippine Red Cross.
Sa National Capital Region, kasama ng PRC sa sabayang paglilinis ang Caloocan City, Quezon City, Marikina City, Valenzuela, Malabon, Mandaluyong, Manila, at Pasay City.
Layon nito na linisin ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok na pinagmumulan ng dengue.
Sa Malabon City, sentro ng clean-up activities ang Pinagsabugan Creek sa Gen. Borromeo St., Barangay Longos, at Barangay Tonsuya.
Ayon kay PRC Malabon Chapter Chairman Ricky Sandoval, mula Enero hanggang Pebrero 15, 2025, may naitala nang 218 kaso ng dengue at isa ang namatay sa lungsod.
Bukod aniya sa paglilinis, iba pang aktibidad ang isinagawa ng PRC, tulad ng pamamahagi ng information materials at medical mission. | ulat ni Rey Ferrer