Binigyang-diin ni NBI Director at Retired Judge Jaime Santiago ang ilang mga dahilan kung bakit niya pinili na hindi magsagawa ng imbestigasyon laban kay former President Rodrigo Duterte hinggil sa mga pahayag nito sa isang political rally.
Ayon kay Santiago sa kanyang ginawang obserbasyon sa naging pahayag ng dating Pangulo, at iba pang impormasyon, malinaw aniyang biro lamang ito.
Sa ginawang paghimay ni Santiago, sa kanyang opinion, walang tinukoy na partikular na personalidad ang dating Pangulo.
Wala din aniyang lohika ang pahayag ng matandang Duterte, dahil kahit magkatotoo man ang banta nito ay hindi nangangahulugan na ang kanyang mga kandidato na ang mga magiging senador.
Dadaan pa rin aniya sa botohan ang mga maluluklok sa pwesto.
Giit pa ni Santiago na mismong mga sitting senatos na ang nagsalita na biro lamang ito, at sino pa, aniya, siya para pangunahan ang mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco