Walang ibang personalidad ang sangkot sa reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay NBI Director Jimmy-Santiago, tanging si Vice President Sara Duterte lamang ang laman ng reklamong inciting to sedition at grave threats.
Paliwanag ni Santiago, ang ibang personalidad na kanilang pinatawag noon na vloggers at media personalities ay kanila lamang hiningan ng pahayag, at hindi isinama sa naturang reklamo.
Matatandaang matapos ang ilang buwan ay nakapagsumite na ang NBI ng kanilang rekomandasyon sa DOJ, hinggil sa sinasabing pagbabantang binitawan ni VP Sara sa isa niyang mga online press conference. | ulat ni Lorenz Tanjoco