Muling pinagtibay ng pamahalaan ang pangako nito sa pagtataguyod ng karapatang pantao at sama-samang pag-unlad.
Ito ang tinuran ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang pangunahan nito ang delegasyon ng Pilipinas sa United Nations Committee on Economic, Social and Cultural Rights sa Geneva, Switzerland.
Dito, tinalakay ang ilang mahahalagang paksa gaya ng poverty reduction, labor rights, education, healthcare, at social protection bilang bahagi ng obligasyon ng bansa sa International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights.
Pagtitiyak ng Pilipinas, nananatili ang pangako nito na itaguyod ang karapatang pantao at kilalanin ang mahalagang papel nito para sa inclusive at sustainable development.
Pinangunahan ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon ang delegasyon ng Pilipinas sa naturang komperensiya na nagsimula kahapon (February 18) at magtatapos ngayong araw (February 19). | ulat ni Jaymark Dagala