Hindi masyadong malaki ang nakikitang epekto ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa ipinatutupad ngayon ng Estados Unidos na 90 araw na pagpapahinto muna at review para sa US foreign assistance.
Ito iyong mga ayuda o tulong na ipinagkakaloob ng Amerika sa iba’t ibang mga bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni NEDA Usec Rosemarie Edillon na iba na kasi ang sitwasyon sa kasalukuyang panahon.
Kung dati, maging ang konstruksyon ng school buildings sa bansa ay nakaasa sa US, sa ngayon, mas naka-angkla na sa technical assistance ang tulong na ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas.
Bagay na maaari rin aniyang makuha ng Pilipinas sa iba pang development partners nito.
“We will have ot wait until ma-resolve nila iyong isyu na iyon. But with respect to the ongoing na mga technical assistance, we are actually still continuing. So, kunwari sa amin may mga studies, we are still continuing with the studies and we also have good relationship naman with US Aid staff. So, marami rin naman sa kanila iyong, you know, nagbibigay din naman ng inputs, siyempre parang out of their goodwill na iyon.” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, nitong 2023, nasa 198 million US dollars o katumbas ng higit PhP11 billion ang natanggap na tulong ng Maynila mula Washington, kung saan malaking bahagi dito, napunta sa disaster response at healthcare programs. | ulat ni Racquel Bayan