Isa isa nang tinatanggal ng Manila Engineering Department ang mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa inikutan ang kahabaan ng Padre Faura at tinanggal ang mga tarpaulins na nasa poste.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sa foreman na nagsilbing team leader sa operasyon, sinabi nila na ang ginawang pagbabaklas ay sa harap na rin ng pag-uumpisa ng campaign period bukas.
Ang mga inalis na campaign materials ay maingat na kinolekta at ibabalik umano sa may-ari.
Samantala, ayon sa Manila Public Information Office, alam ng opisina ng alkalde ang ginawang Oplan Baklas at suportado ito ni Mayor Honey Lacuna. | ulat ni DK Zarate