Sinabi ni Senate President Chiz Escudero na ang Solicitor General ang sasagot o magsusumite ng komento sa Korte Suprema kaugnay ng petition for mandamus na nagsusulong na agarang simulan ng Senado ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Escudero, bilang abogado ng gobyerno, ang SolGen ang siyang kakatawan, sasagot, o magkokomento sa naturang petisyon.
Sa ngayon, may na-draft nang komento ang legal division ng Senado na ibibigay nila sa Office of the Solicitor General upang mapag-aralan at maikonsidera.
Nitong Martes, inatasan ng Korte Suprema ang Senado na magkomento tungkol sa petisyong imandato ang mataas na kapulungan na aksyunan na ang impeachment case laban sa bise presidente. | ulat ni Nimfa Asuncion