Nanawagan si Cong. Ron Salo na tiyaking maipapatupad ng tama ang Magna Carta of Filipino Seafarers at ang implementing rules and regulations nito.
Sa gitna ito ng pagtaas sa bilang ng mga inaabandonang Filipino seafarers sa karagatan.
Giit ni Salo isang inhustisya at paglabag sa kanilang karapatan na iwan ang mga marino sa dayuhang karagatan nang walang sweldo, tubig at pagkain.
Tinukoy niya ang ulat ng International Transport Workers’ Federation (ITF) noong 2024 kung saan sa 3,133 abandoned seafarers sa buong mundo, 273 dito ay Pilipino.
Pang apat din ang Pilipinas sa most abandoned nationality sa kaparehong taon.
Kaya aniya, dapat mapanagot ang mga shipowners at manning agencies na magpapabaya salig sa Magna Carta of Filipino Seafarers.
Gayundin ang pagkakaroon ng agarang repatriation at financial support.
“The Magna Carta of Filipino Seafarers must be strictly enforced to prevent abandonment and protect our seafarers…No Filipino seafarer should ever be left behind,” diin ni Salo. | ulat ni Kathleen Forbes