Ipinagmalaki ng National Police Commission ang pagbaba ng krimen sa Quezon City at Makati City.
Pinuri ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan sina QC mayor Joy Belmonte at Acting QCPD director Colonel Melecio Buslig Jr., gayundin ang Makati City Police Station dahil sa kanilang pagsisikap sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng kani-kanilang nasasakupan.
Batay sa datos noong 2024, ipinapakita ang pagbaba ng crime rate sa Quezon City ng 21.97 porsiyento sa kabuuang insidente ng krimen kumpara noong 2023.
Kabilang dito ang mga kasong physical injuries, rape, theft, at robbery.
Sa loob lang ng apat na buwang panunungkulan ni Col. Buslig, nakitaan na agad ng 14% na kabuuang pagbaba sa pangunahing focus crimes.
Binibigyang-diin ng NAPOLCOM official ang pagiging epektibo ng loCal Police sa ilalim ng liderato ni COL Buslig Jr.
Samantala, naging matagumpay din ang mga operasyon ng Makati City Police Station sa ilalim ng liderato ni P/Col Jean Dela Torre na nagresulta sa pagbawas sa ibat-ibang index crime at ang kahusayan sa paglutas ng krimen. | ulat ni Rey Ferrer