Nilimitahan na ang pagbabawas ng tubig sa Magat Dam sa Luzon.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, bumaba na ang antas ng tubig sa dam sa 190.48 meters o may kabawasan ng 2.52 meters mula sa normal level nito na 193 meters.
Sa ngayon nananatili pa ring bukas ang isang gate nito pero nagpapakawala na lamang ng tubig na 306 cms mula sa 357 cms kahapon.
Nagpakawala ng tubig ang Magat dam dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig dahil sa mga pag-ulan dulot ng shear line at
northeast monsoon na naka-apekto sa ilang bahagi ng Luzon. | ulat ni Rey Ferrer