Magpapatuloy pa ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development sa mga evacuee ng Bulkang Kanlaon.
Ito ang tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nang bisitahin ang mga pamilya sa evacuation centers sa Negros Occidental kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Gatchalian na ang kaloob na tulong ay bukod pa sa food at non-food items na ipinamamahagi ng ahensya.
Sa kanilang pagbisita sa apat na evacuation centers sa La Carlota City, pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal ang mga evacuee.
Samantala, may 2.4 milyong kahon ng family food packs at P46.6 milyong standby funds na available pa para sa augmentation sa apektadong LGUs. Sa Negros Island Region, may kabuuang 156,441 kahon ng family food packs ang naka-preposisyon sa mga estratehikong lugar, bukod pa sa higit 15,000 non-food items. | ulat ni Rey Ferrer