Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtupad sa naging pangako noong Disyembre 2024, na mas magiging available sa pagtugon sa mga katanungan sa mga media.
“Well, the reason I called this press conference is that, first of all, I remember that over the Christmas holidays I promised you that I will be more accessible to the press, and I am now fulfilling that promise.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa ipinatawag na press conference sa Malacañang, sabi ng Pangulo, maging siya kasi hindi kuntento sa mga isinasagawang ambush interview sa sidelines ng kanyang mga dinadaluhang aktibidad.
Sabi ng Pangulo, tuwing ambush interview, limitado lamang ang oras at tila nagmamadali ang lahat.
Ang mga nais aniya niyang sabihin, hindi kasya sa iisang soundbite at nais niyang maipaliwanag nang maigi.
“To tell you the truth, I’ve been a little bit dissatisfied with the ambush interview. Kasi some of the things that we talked about are not simple na isang sound bite lang kuha na. Hindi puwede ‘yun.” —Pangulong Marcos
Ito ang dahilan ayon sa Pangulo, kung bakit siya nagpatawag ng press conference nang maitanong ng media ang lahat ng issue, nang hindi nagmamadali.
“So, I thought that we should have a proper press conference where you can ask questions. Take your time asking the question. Hindi tayo nagmamadali.” —Pangulong Marcos
Sabi ng Pangulo, idaraos ang press conference sa Malacañang, kada buwan.
“And to continue that, I think I’ve asked Cesar to arrange that we do this at least once a month unless there is something very, very important like there is today.” —Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan