Isang bagong chinese vessel ang namataan ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Mansinloc na pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon kay PCG Spokesperson on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ang nasabing barko ng China ay nasa layong 134 nautical miles mula sa land mass.
Sinabi ni Commodore Tarriela na posibleng ang nasabing barko ay pamalit sa monstership ng China na 5901.
Dalawang buwan na kasi aniya nasa karagatan ang nasabing barko kaya’t posibleng pabalik na ito sa China. | ulat ni Don King Zarate